Ako'y tutula
mahabang mahaba
Dahil kung ako'y mag-rant
ay sobrang haba.
Hinayupak
na performance sa Pinoy
Lahat ng marka'y isang malaking
EWAN!
Nguni, anong paki ko?
Ika nga ni Popo
Ang tula'y
walang kinikilalang
grado.
Ang grado'y kasinungalingan.
Ang kunbensiyon ay kagaguhan.
Siyanga naman
Ba't ko iiyakan ang marka ko?
Hindi naman nito masusukat
ang iyong talento
Hindi na nga ako marunong
sumayaw, kumanta, at magharana
TANG'NA!
Pati ba naman gumawa ng tula
Hindi ko pa magawa?
Kunsabagay
ang talento ay relatibo
kahit kumopya pa ako
baka ako lang ang makatanto
ng kung ano ang hindi mahulo
nina Nikki, Polito o Yano.
[Peace po.]
Siyanga, andyan na yan
Ba't ko pa iiyakan?
Sobrang saya ko naman
dahil hindi na ako bagsak
At nabawasan na ang
pahamak.
Babawi na lang ako
Sa maikling kwento
At tanging isipin lang
Na mahulo ang
makabuluhang diwa,
Na mailarawan ang
sapalarang masaya.
Kahit anong panitikan
ay may katuturan
sa diwa nito
at hindi lang sa grado.
Ang grado'y kasinungalingan.
Ang kunbensiyon ay kagaguhan.